Sunday, September 2, 2018

Huawei Nova 3i - Case Template


Huawei Nova 3i - iPhone case


Download this template to personalize your Huawei Nova 3i


Blank template
(Click the image first, then press right click save image as.
You should know some photo editing techniques to achieve it
)

iPhone design :D

Superman


Monday, December 4, 2017

Orient Ray II Black Raven


Orient Ray II Black Raven
The best $200+ Automatic Diver Watch

Orient caliber F6922 automatic movement
Hand winding and hacking seconds
40 hour power reserve
120 click unidirectional stainless steel diver’s bezel
200 meter (660 feet) water resistance
Screw-down crown and screw-lock caseback
Mineral crystal
Stainless steel case and bracelet
41.5mm diameter
22mm lug width
13mm height

Wednesday, November 16, 2016

LG G4 - Quick Circle Case - Gold!


Sa wakas, nakabili na ako ng LG G4 Quick Circle Case. Ang pinili kong kulay ay Gold dahil wala pa akong Gold, at ang buttons ng G4 ko ay Gold. Anong masasabi ko? Sulit naman. Naging mas maganda ang phone, mukhang mas matibay siya kumpara sa ordinary back cover. Ang worry ko lang, posibleng bumakas ang circle kapag nag-screen burn. Ang unit ko ay replaced unit na ng original na binili ko. Kilala ang LG-G4 sa screen burn problem at boot loop, ganito ang nangyari sa previous device ko. 

Monday, May 30, 2016

LG G4 Ceramic White - Gold button


Ganito ang itsura ng LG G4 case na Ceramic White. Mukhang Premium, may mga nagsasabing mas premium looking pa ito sa Leather. Ang isa sa mga advantages ng G4 na wala sa iba, marami kang pagpipiliang back cover, from plastic to leather, iba ibang color. Ang Ceramic White na ito ay galing ng South Korea mismo.

Kung gusto mong match sa color, kailangan mong bumili ng separate buttons.



Monday, February 22, 2016

Ringke [FUSION] Smoke Black for LG G4





Kung wala ka pang Case para sa LG G4, ito ang rekomenda kong bilhin ninyo ang Ringke Fusion Smoke Black. Pwede sa Leather Back at may lanyard hole. Pwede mo pang i-ukit ang kahit anong designs, mula sa print o sa magazines. For me, ok na ako sa transparent. Minsan, inaalis ko ang leather back para kita ang battery at microsd card.


Mas safe kapag nakasabit ang phone. Ito ang habol ko sa Ringke Fusion.


---------------
As of today, HINDI KO NA PALA NIREREKOMENDA ANG RINGKE FUSION. Kasi hindi siya solid, ang likod ay hard at ang sides ay soft. Kaya ito ang madaling makalas, 1 linggo lang nasira agad ang Ringke case. 

Monday, January 4, 2016

Nokia Lumia 1020 vs LG G4


Nokia Lumia 1020 vs LG G4

Hello Philippines, this is a simple review of the two smartphones known for their Cameras -The King of Cameraphone, the Lumia 1020 and the LG G4. 

May maiksing komentaryo ako sa ibang aspects ng phones gaya ng display, battery at built quality pero mas focused ang simpleng review na ito sa camera. Ito ang maibabahagi ko sa inyo.









Nokia Lumia 1020 and LG G4

neomic rating

LG G4 - 9.8
Nokia Lumia 1020 - 9.5


OS

Lumia 1020: Windows Phone 8.1, 8

LG G4: Android 6.0, 5.1- LG UX 4.0 UI




LG G4 officially announced - April 28, 2015

Lumia 1020 officially announced- July 11, 2013

Built Quality
 
LG G4 - plastic body, plastic side, plastic battery cover or optional leather with plastic. 

Ok naman ang built quality ng LG, better than the 1020 pero hindi mukhang kasing premium ng ibang 2015 flagships. Yung plastic side ng LG G4 ang sumira sa premium look and feel nito. Mas maganda pa rin ang glossy sides kumpara sa iba pero mas magiging mukhang premium sana ito kung aluminum ang material na ginamit, lalo na sa 2015 nagiging metallic na ang uso. Maganda pa ring tignan ang shiny side pero kumpara sa Galaxy S6 at HTC One M9, mas mukhang mamahalin o mas premium ang mga metallic. Wala pang isang week, nahulog sa concrete ground ang LG G4 ko, 3 ft drop, napingas na agad ang glossy plastic sa ilalim dahil mas malambot ito. Maliit lang pero halata dahil ang shiny part ng napingas ay nawala. Overall, maganda naman ang LG at mas masarap hawakan sa kamay sa lahat ng smartphones ngayon. Napakaganda ng curved ang display at ang back. Kung hindi ka leather, bibili ka pa rin ng leather dahil walang tatalo sa leather. Mas magtatagal ang leather kung iingatan.


 
Nokia Lumia 1020 - Polycarbonate Plastic

Ang Lumia 1020 ay mas solid hawakan. Ang nag iisang screw nito ay nakatago sa SIM card Slot. Mas mabigat sa G4 pero mukhang mas matibay ito at totoo naman. Matagal na sa akin ang Lumia at walang gasgas kahit isa, meron lang sa Gorilla Glass 3 screen at hindi ako ang may kasalanan. Yung yellow ng Polycarbonate Plastic ng Lumia, kapag nagasgas man ito, hindi halata dahil Yellow ito hanggang sa loob. Kailangan mo pang hanapin ang gasgas. Yung black na naka-umbok sa likod na nilalagyan ng camera at buttons (camera, power button at volume) ay gawa sa Aluminum, kapag may white na parang gasgas ito, nawawala rin.


Tinanong ko ang mga hindi marunong sa Smartphone, lima sa kanila, akala nila na mas mamahalin ang Lumia 1020 dahil sa matingkad na kulay at matte finish na polycarbonate, masarap hawakan. Gaya ng marami, naniniwala ako na mas maganda ang devices na gawa sa matte polycarbonate ng lumia series, meron sanang laptop at new phones na gawa dito.


Mas mabigat nga lang ang Lumia, mas makapal pero mas solid hawakan, isa itong bloke ng polycarbonate plastic.

User Experience

Ang LG G4 ay Android, ang Lumia 1020 ay Windows Phone. Para sa akin, mas maganda ang Android sa maraming dahilan. Pero hindi talong talo ang Windows Phone OS ng Lumias sa Android. Maraming madaling gawin sa Windows Phone na hindi nagagawa sa Android using apps from store, like easiest way to download videos, download offline youtube videos with no copyright restrictions and no expiration, saving webpages as pdf. For me, mahalaga na hindi nag-eexpire ang videos sa offline. Sa Windows walang worry sa virus kasi naman kaunti ang apps na pwede mong idownload. May screen capture sa LG browser ang Capture plus at mas maganda yun para sa marami. Kung PDF printer ang habol mo to save web pages, di ko pa alam kung posible sa Android. So far, hindi ko pa nadidiskubre kung paano magsave as pdf sa mga website for offline viewing. 

Mas madaling mag-manage ng files sa Android dahil sa file manager, ang Lumia 1020 meron nito, ang app na "Files" pero kapag napakarami mong photos, mapapagod kang kakascroll down, walang way para makapunta ka sa pinaka newest photo na gusto mong i-rename o i-move. Sa kabila naman nito, ang live tiles sa Windows Phones ay napaka useful sa akin. May katulad sana nito ang Android. Makikita mo agad ang incoming text o email kapag hindi importante ignore mo agad, updated ka. Sa G4, ang email widget na nasa akin, kailangan mo munang i-click at irefresh bago lilitaw sa widget ang small details ng new emails. Ano pa ang purpose ng nakikita mo sa home screen ang first four list sa inbox kung kailangan mong pumasok muna sa app bago mo makikita ang latest?

Isa pa, sa Windows Phone, napakadaling bumalik sa previous app na ginagamit mo using the back button. Sa Android, may "recent" button sa home touch buttons yung square shape. Kapag gumagamit ka ng app like YouTube at napindot mo ang circle o home button, mapupunta sa recent ang YouTube at pupunta ka sa homescreen. Kapag gusto mong bumalik sa previous app, kailangan mo munang i-tap ang square o recent tapos itap mo ang app na ginagamit mo.  2 Taps every time na babalik ka sa last app na ginamit mo bago mo mababalikan ang last app. Additional 1 tap ito, meaning for every time na gagawin mo ito kailangan mo ng 1 tap, ilang taps ang mabubuo mo sa loob ng isang taon dahil sa additional tap na ito? Sa Windows, just tap the back button balik ka na sa previous app, kung gusto mong lumitaw ang recent, just hold o long press the back button. Walang dedicated button for "recent" apps sa windows phone, ang back button ay long press mo lang para palitawin ang recent apps. For me, sana ganito sa Android.

Hindi mo maaalis ang triangle, circle at square sa home touch buttons ng LG G4. Pwede mo lang itong dagdagan ng dual sim for our local variant na may double SIM, Notification, QMemo+, or QSlide. Sa Windows phone naman, fixed na ang back, home button at yung button na magnifying glass to open Cortana kapag naka on ang Location at kapag naka-off mapupunta ka sa Bing Search Engine. Tingin ko dapat pwedeng palitan ang function ng Cortana button at dapat pwedeng alisin na lang ang recent button sa Android, long press na lang sa back button para lumitaw ang recent apps.

Para sa akin, bilang user ng both Windows Phone at Android Phone, lamang lang ng bahagya ang Android sa Windows, dahil sa Apps. Napaka-unti ng apps sa Windows Phone pero ang mga meron nila ay wala sa Android gaya ng Xbox games at halimbawa ang WhatPHNetwork na kapag meron ka nito automatic alam mo kung anong network (SUN, SMART, GLOBE) ang mga nasa contacts mo. May built in Alarm app ang Windows 8 na pwede mong ilagay ang name ng reminder. Sa LG ang clock widget mo ang built in alarm. Gusto ko sanang may malaking clock sa homescreen ng mga devices, sa Windows Phone wala nun. Ang malaking clock sa Windows Phone ay nasa lockscreen lang. Gusto ko ang glance mode, no need to touch, hover mo lang ang kamay mo lilitaw ang clock. Pero ang sa LG nakakainis kasi para i-close ang display sa LG pwede mong double tap, which is good, madalas na napipindot ko ang alarm ng aksidente tuwing gusto kong patayin ang screen at bubukas ang Clock app, nakakairita. Ayaw ko ang Wallpaper na may clock. May downloadable apps naman na Alarm at pwede mong lagyan ng name ang reminder, may advertisement pa at nakakabwiset pa rin. Marami rin akong hinahanap na meron sa Windows na wala sa Android.

Sa mga gaya ng gaming, hindi gaanong problema sa Lumia 1020, ang Asphalt 8, smooth na smooth, may lag paminsan minsan pero mas madalas wala, kahit pa dual core lang ito, Snapdragon S4 with 2 gigs of RAM. Ang LG ay may 3 gigs of RAM, Hexacore at Snapdragon 808. Nasusubukan ko ring nagla-lag sa G4, madalas nag-error at sumasarang mag-isa ang YouTube sa G4, sa 1020 nangyayari rin yun sa 3rd party app ng youtube for Windows Phone. Ang isa pang madali sa Windows Phone ay ang GPS map, may Here Drive at Here Maps. Sa Android phones, pwedeng idownload ang Here Drive. Nakapagdownload na ako ng offline Map pero ang hirap pa ring gamitin. Mas preferred ko rin ang Advanced English Dictionary ng Lumia compare sa Merriam Webster offline dictionary ng Android (makukuha pa sa store yun, hindi siya built in). Kaunti lang ang Apps ng Windows, pero parating mas madali at mas magandang gamitin.


Overall, talong talo ang Windows Phone sa Android Phone, pero maganda ang simplicity ng Windows Phone. Mas maiintindihan mo lang yun kung nakagamit ka ng more than 2 years ng Windows Phone.

Kung based dito ang dahilan mo para palitan ang Lumia 1020 mo ng G4, rekomenda ko na wag na. Wait for the G5 or G6 sa 2017.


Battery Life


LG G4 battery 3,000 mAh + extra Battery Kit (buy separately) with another free battery package 3,000 mAh


Nokia Lumia 1020 battery 2,000 mAh + extra free Camera Grip with 1,000 mAh

Sana, lahat ng mobile phone ay may built in battery, let's say 1,000 mAh pero may removable battery gaya sa LG flagship phones, mga 3,000 mAh, so that, kapag inalis mo ang battery to charge somewhere else, there is no need to shut down your mobile phone. Pwede ring 2,000 mAh built in battery with camera-grip like case with 3,000 mAh battery. For me, napaka-convenient ng Camera Grip, every time you need extra juice isasalpak mo na lang. Sa LG G4, every time na ilalagay mo ang extra battery, kailangan mo pang mag shut down, alisin ang back cover, pull out the battery, insert the extra battery, tapos close the cover. Ang Camera Grip, isasalpak mo na lang, tapos. Lamang lang sa mAh ang LG Battery at madaling ibulsa ang extra battery dahil mas maliit ito sa Camera Grip ng Lumia. 

Ang Lumia Camera Grip ay may camera button at tripod mount. Ang Camera grip ay may 4 LED light para makita mo kung puno na. Pagkatapos ng 4 lights mamatay ito, indication ito na full bat na ang camera grip. Mag-isang nag-drain ito kapag hindi mo ginamit ng more than 24 hours. Ang Battery Kit ng LG may light na red, kapag green na, full na. Between the two devices, mas prefered ko ang LG G4 dahil lang sa size 3,000 mAh compare to 1,000 mAh, hindi naman natin ito masisisi sa 1020 dahil 2013 flagship pa ito. Battery performance overall, mas better ang LG.

Display


LG G4: 5.5 inches, 538 ppi, IPS LCD Quantum Display, Corning Gorilla Glass 3


Lumia 1020: 4.5 inches, 334 ppi, WXGA 
AMOLED, Corning Gorilla Glass 3




Sa size pa lang, talo na ang Lumia, 5.5" vs 4.5". Personally, mas gusto ko 6 inches or at least 5.7", pero ok na ako sa 5.5". Malaki ang display at the same time pwedeng 1 handed use ang 5.5". Mas maganda ang display ng G4, hands down. Pero minsan nabibilib ako kapag bumabalik sa Lumia dahil sa pure black nito. Kailangan mo munang maging maselan sa display para ma-appreciate mo ang advantages na meron sa LG.

Ang IPS display ng G4 ay katulad ng Amoled, ang black ay black talaga pero at the same time nakuha niya ang color accuracy ng IPS (pero hindi ito 100% accurate). Sa Amoled ng Lumia 1020, ang black color ay light na naka-turn off, kaya pure black ang makikita mo di gaya sa IPS. Pero iba pa rin ang AMOLED. Minsan maganda ring manood ng video sa Lumia na black talaga ang black, mas higher ang contrast. Noong balikan ko ang Lumia after 1 week of use sa G4, na-appreciate ko ang ganda ng Amoled display, kasi para sa akin, personally mas gusto ko ang Amoled or screens gaya ng nasa Samsung Galaxy S6 at Note 5.

Isa sa dahilan kaya mas tipid sa battery ang Lumia dahil sa Amoled Display nito. May mga Apps na black ang background para samantalahin nila ang capability nito as Amoled, tipid sa battery gaya ng Alarm or Calendar at kapag nagbabasa ka ng free books na nadownload mo, black ang screen. May mga tao na ayaw ng black ang background, may mga tao na gusto black ang background kapag nagbabasa. Kaya sa performance both LG and Lumia, almost similar lang sila sa battery drain, sa aking experience. Kahit pa nasa 2,000 mAh lang ang lumia, mas maliit naman ng 1 inch ang screen nito at Amoled ito. Yung LG naman, sana ginawa na nilang Gorilla Glass 4 ang material sa screen, gaya ng ibang 2015 flagship. Hindi natin masisisi kasi isa ito sa unang lumabas sa 2015. Kaya nga karamihan ng reklamo sa LG ay sa built quality. Pero kahit na, napakaganda ng built quality at display ng LG flagship.


Audio Quality 



Sa Sound quality naman, medyo similar naman ang Lumia 1020 at LG G4. Mas malakas at mas better quality ang G4 sa Lumia 1020. Ang Speaker ng Lumia 1020 ay nasa ilalim, ang G4 ay nasa likod. Mas maganda ang lugar ng speaker ng nasa Lumia at mapapansin mo ito kapag ginagamit mo na. Isa pa, kapag nilagay mo na ang camera grip sa lumia, nagiging front facing speaker na ito at mas better manood ng video kapag ganito ang speaker.

Camera
Lumia 1020: 41 Megapixels with Xenon flash and LED
Aperture size F2.2
Focal length (35mm equivalent)- 26mm

Camera Sensor Size - 1/1.5"
Front Facing Camera - 1.2 megapixels


LG G4: 16 Megapixels with LED flash
Aperture size F1.8
Focal length (35mm equivalent)- 28mm
Camera Sensor Size - 1/2.6"

Front Facing Camera - 8 megapixels

Mas mabagal kumuha ng photo ang Lumia 1020 compare to LG G4, mas nag-struggle ako sa macro sa Lumia 1020 kaysa sa LG lalo na kung moving ang subject. May mga experts na pinili nila ang 1020 as best 2015 phone kahit pa 2013 pa ito nilabas dahil sa camera, lalo na kapag RAW format na. Para sa kanila, mas magtatagal ang phone na ito at naniniwala naman ako. Para sa akin, may mga photos na mas maganda ang result sa 1020 kaysa sa LG pero most of the time ang LG G4 ang panalo. May 3 axis OIS 2.0 ang LG G4 at ang Lumia 1020 ay gumagamit ng ball bearings. Ang OIS sa Lumia ang mas preferred ko. Pero ang LG ay may laser autofocus at color spectrum sensor. Mas convenient sa aking gamitin sa very low light at indoor ang Lumia 1020 dahil ang laser autofocus ay nahihirapan at ang focus light ng Lumia mas nakakapagfocus. Pero kapag naglalakad ka, mahirap ang magfocus ang parehong phones kapag low-light.



Which of these are LG G4's photo and Nokia Lumia 1020 photo?


Sample Images

Hindi ito highest res kasi nililiitan ng blog.

Daylight

Naka-set sa Auto mode ang dalawa at ang phone ang pumili ng settings.




LG G4 
HDR
Focal Length: 4.42 mm
White balance: Auto
Aperture: 1.8
Exposure time: 1/3800

ISO: 50




Nokia Lumia 1020
(5-Megapixel Oversampled Image)


White balance: Auto

Aperture: 2.2
Exposure Time: 1/1250
ISO: 100





Complete Darkness
All in Auto Mode using flash.


This is the LG G4 using the LED flash.


This is Lumia 1020 using Xenon Flash





As you can see, the quality of this photo using the LED flash of LG G4's camera in total darkness is not so good. The color is off and it lacks brightness.



The Xenon flash in Lumia 1020 is a lot better than LED flash but beware, using this flash in people creates red eyes 90% of the time.


Here are some of the Macro Shots taken from both phones.


I was closer to the subject when I took this. LG G4 500% zoom, no editing.
(image resized to 500% using Photoshop) 



Lumia 1020 Macro shot, 500% zoom.(image resized to 500% using Photoshop)

Indoor close up, no flash - Auto mode.

The LG G4 photo looks better.


The Lumia 1020 has the more realistic color and brightness. 




LG G4 indoor in 100%, 500%, 1000% and 1500%.


Nokia Lumia 1020 in 100%, 500%, 1000% and 1500% scale. Lumia has the more realistic color tone and brightness.

Low-light (White Balance is set in Auto)



This is a perfect low-light photo by the LG G4. The color and brightness is almost perfect and realistic. LG's color sensor is working in this scenario. Lumia 1020's photo is a lot cooler and a little bit under exposed. 

Another indoor comparison.


This is LG G4 Sample without HDR in 100% and 500%.


This is LG G4 and HDR is set to Auto in 100% and 500%.




This is a Lumia 1020 sample. There is no HDR built in in Lumia Camera App, you need a third party app for HDR. The brightness here is more realistic. The G4 photos are brighter and better looking but the Lumia photo is more accurate.


LG G4 100% - 500%
(Blogger adjusted the photo in lower res)



Nokia Lumia 1020 34 Megapixels high-res 100% - 500%
(Blogger adjusted the photo in lower res)



LG G4 HDR sample in 100% and 500%



Nokia Lumia 1020 sample in 100% and 500%



All in Auto Mode, no HDR effect. Which one is Nokia Lumia 1020 photo and which is LG G4 photo?


LG G4 close up with bokeh effect

Nokia Lumia 1020 close up with bokeh effect.

No front facing camera sample. Talo ng 8MP camera ng LG G4 ang Lumia 1020. 





Ngayon, hulaan ninyo ang mga sumusunod. Ang sagot ay nasa filename ng mga photos. Alin dito ang Lumia 1020 at alin ang LG G4?


This is in full auto.
Which one is Nokia Lumia 1020 and which one is LG G4?
(Answer is in the filename)



White Balance: Auto
Aperture: LG G4 - 1.8, Lumia 1020 - 2.2
Exposure time: 4"
ISO: 200 ↓





A is 2 sec exposure B is 1 sec exposure. No tripod.↓













LG G4 720p

  

Lumia 1020 1080p


Sino ang dapat bumili ng Nokia Lumia 1020 o ng LG G4?

Wala ka nang mabibiling brand new na Lumia 1020 at ang LG G4 papalitan na ng LG G5, may LG V10 na nga. Pero kung ito talaga ang gusto mo, dapat handa ka.
Para sa akin, unless gagamitin mo sa print, at maselan ka talaga sa quality ng photos, ito ang kailangan mong bilhin. Kung gagamitin mo ang raw photo sa photoshop, go ahead, bumili ka ng Lumia 1020. Ang mga photographers na sanay mag-edit ng RAW ang pumipili ng Lumia 1020. Dapat alam mo rin na mas mahirap magtransfer ng file sa 1020 na walang removable sd card. Parehas silang may Service Center na mahirap tawagan sa telepono. Bago ka bumili ng smartphone na mamahalin, dapat inaalam mo kung gaano ka-efficient ang kanilang Service Centers. Lumia 1020, nasiraan ako umabot ng more than 2 months bago nila palitan. Kung ready ka na walang smartphone ng matagal, bumili ka o makipag-swap ka ng Lumia 1020. Sa LG naman, umpisa pa lang may napansin agad na dead pixels. Makikita mo lang yun kapag tinodo mo ang brightness at may black na photo o video ang dumaan near the dead pixel. Handa ka dapat sa ganyan.